Warning for the Philippines: Repentance is the KEY
Tayong mga pinoy, nasisikip na mabuhay, parati nating sinasabi sa ating mga ginagawa, “basta para sa pamilya,” at gumagawa na tayo ng labag sa mga utos ng Diyos.
Iilan nalang ba sa mga Katoliko ang nagsisimba na isinasapuso ang mga ebanghelyo? Iilan nalang ba sa mga Kristiyano at Muslim ang tinutupad ang mga utos na isinulat sa Bibliya? Iilan nalang ba talaga ang totoong nananampalataya sa maykapal o sa Diyos?
Kahit ako, hindi ko masagot, wala namang statistics tungkol sa mga ganito dito sa Pilipinas. Basta ang alam ko lang ay, ang Pilipinas ang may pinakamaraming tao na naniniwala sa Diyos sa buong mundo. Eh, ang sumusunod sa mga utos ng Diyos, kita pa rin ba?
Biglang sumulpot ang mga tanong na ito matapos kong mabasa ang letter na ibinigay sa amin ng aking Tita Luz. At ang video na nakapaloob ang mga mensahe na galing sa Diyos na isiwalat ng isang Indianong Propeta.
Mababasa ninyo sa ibaba ang sinasabing liham. Noong una, medyo hindi pa ako convince sa mga sinasabi niya, pero ito ay napalakas dahil sa video na nasa ibaba nang liham.
To download this picture, just click it and click the right and click 'save image as'
Bakit nga ba ganito nalang ang babala sa atin?
Ito ang mga sumabit sa aking isipan.
1. Marami na sa atin ang nasisilaw sa mga bagong apparatus na minsan nagiging mitsa pa ng ating mga buhay dahil ginagawa ang lahat makuha lang.
2. Mas tinitingnan pa natin ang kabutihan ng ating sarili kaysa sa karamihan.
3. Marami na din ang ginagamit ang simbahan para magkapera o posisyon nito para makakuha ng mga material na hindi naman kinakailangan ng simbahan.
4. Marami na rin ang nagsisimba daw para matakpan ang kanilang mga masasamang gawain.
5. At nagiging abuso sa ating kalikasan at ginagawang atraksyon ang mga simbahan kagaya sa nangyari sa Bohol
6. Nagiging abuso sa posisyon na meyroon tayo.
No comments :