Mga Buto ni Lolong Dadalhin sa Manila
Limang
buwan matapos mamatay ang damduhalang buwaya na si Lolong, pinahukay
ulit ito upang kunin ang mga buto at ipadala sa National Museum sa
Maynila.
Sinimulan
ng mga taga-LGU Bunawan ang paghuhukay sa pangunguna ni Mayor Cox
Elorde at ni Sangguniang Bayan member Ronald Nuer upang masiguro na
walang aberya sa paglilipat ng mga buto ni Lolong.
Ayon
kay Mayor Elorde, bago ito dadalhin sa Maynila ay dadaan pa ito sa
Regional Museum sa Butuan City upang mabigyan ng paunang paglilinis.
Inaasahang mabubuo ito pagkaraan ng tatlo hanggang limang buwan.
Dagdag
pa ni Mayor Elorde matapos maayos ito, si Lolong ay ibabalik dito sa
bayan ng Bunawan para sa stuffing o pagbabalik nito sa dating anyo,
na di saangyon sa nababalitang sa Maynila na ito mananatili.
Tumagal
ng dalawang oras ang paghuhukay at paglilinis ng mga buto ni Lolong at sa mga oras na iyon hindi pa rin tuloyang na decompose si Lolong dahil mayroon pa ring mga laman na natira kung saan nagbigay ito ng masangsang na amoy.
Ang ulo
at balat nito ay pansamantalang nakalagak sa Davao Crocodile Park
para doon mapreserba.
Si
Lolong ay namatay noong Pebrero nitong taon dahil sa pneumonia at
cardiac arrest ayon sa mga eksperto.
No comments :